Larawan ng isang batang musmos
na nakakaranas ng sobrang kahirapan
sa panahon ng pamamalakad ni Pangulong Noynoy Aquino.Maging ang mga naunang presidente ay hindi nila naalis ang mga mahihirap sa ating bansa. May katapusan pa kaya ang mga ito? Magawa kaya ito ni PNoy sa mga nalalabi nya pang oras sa pagkakaupo bilang pangulo ng ating bansa?sheryloposa@gmail.com
Madami akong
nabasang blogs tungkol dito at sinasabe dito na wala namang nagagawang tulong
si PNoy lalo na sa mahihirap.
Ang videong ito ay ginawa ng DSWD ayon sa kanilang pananaliksik tungkol sa mga mahihirap. Maging ang DSWD man ay naguguluhan kung bakit napakadami pading mahihirap ngayon sa Pilipinas na matagal ng pinapangako ng mga naging Presidente na wawakasan na nila kahirapan ng taong mahihirap sa ating bansa.
Madaming blog na nagsasabing hindi maganda ang
pagpapalakad ni Pnoy sa
bansa. Ako bilang isang magaaral sa totoo lang ay hindi ko pa nararamdaman ang
mga ganyang bagay
dahil
ako ay suportado pa ng aking mga magulang at wala pa akong trabaho. Pero alam
ko kung ano ang
mga
nangyayari sa ating bansa. Alam ko naman na pinipilit ni PNoy na paangatin ang
mga mahihirap pero
alam ko
din na mahirap ang bagay na ito kaya sa akin ay pangunawa na lamang ang ibigay
nila sa Presidente
upang
magkaayos ang lahat. Si Juan delaCruz ay nasa plano ni PNoy subalit sya ay
nahihirapan dahil sa dami
nila. Kaya
magtulong tulong din tayo para matapos ang kurapsyon at kahirapan sa ating
bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento