Martes, Pebrero 18, 2014

Uunlad na ba ang agrikultura kung ang lahat nang magsasaka ay may sarili nang lupa?



               Sa palagay ko ay hindi naman ganun kadali ang mapaunlad ang ating agrikultura kahit na
 maibigay na ang mga lupang hinahangad ng mga magsasaka. Malaking tulong padin ang
suporta ng ating gobyerno na hindi naman nila naibibigay ng tama. Kadalasan ay hindi naman
nakakarating ang mga tulong na hinihingi ng mga magsasaka natin. Kaya para saakin
bale wala ang pagkakaroon ng sariling lupa kung hindi naman ito susuportahan ng ating


Peace agreement nang "BANGSAMORO" at nang Pamahalaan



  Nakita ko sa mga website na madaming nagrereklamo sa Presidente natin dahil hindi sya ganun
karesponsable sa pagtulong sa mga tao ng Zamboanga. Nagsulat ang mga tao nito direkta sa kanya
na magpadala na lamang ng tubig at ng mga pagkain para hindi sila magutom dahil ang mga opisyales
  sa lugar na yoon ay kinukurakot lang ang mga pagkain at perang ibinibigay ng gobyerno. Nang magkaayos
 na ang pamahalaan at ang mga tao nitoay nagingmaayos na muli ang takbo ng pamumuhay nila dito.
ang iba ay nakapagtrabaho na muli at ang iba ay sawi padin ang kapalaran. Pero ipinangangako ng Pangulo na
aayusin nya ang lahat ng anumalya at problema sa nasabing lugar.sheryloposa@gmail.com

Nasaan si Juan delaCruz sa PDP plans ni PNoy?





Larawan ng isang batang musmos
na nakakaranas ng sobrang kahirapan
sa panahon ng pamamalakad ni Pangulong Noynoy Aquino.Maging ang mga naunang presidente ay hindi nila naalis ang mga mahihirap sa ating bansa. May katapusan pa kaya ang mga ito? Magawa kaya ito ni PNoy sa mga nalalabi nya pang oras sa pagkakaupo bilang pangulo ng ating bansa?sheryloposa@gmail.com





        

                 Madami akong nabasang blogs tungkol dito at sinasabe dito na wala namang nagagawang tulong si PNoy lalo na sa mahihirap.
 Ang videong ito ay ginawa ng DSWD ayon sa kanilang pananaliksik tungkol sa mga mahihirap. Maging ang DSWD man ay naguguluhan kung bakit napakadami pading mahihirap ngayon sa Pilipinas na matagal ng pinapangako ng mga naging Presidente na wawakasan na nila kahirapan ng taong mahihirap sa ating bansa.
                       Madaming blog na nagsasabing hindi maganda ang pagpapalakad ni Pnoy sa bansa. Ako bilang isang magaaral sa totoo lang ay hindi ko pa nararamdaman ang mga ganyang bagay
                                       dahil ako ay suportado pa ng aking mga magulang at wala pa akong trabaho. Pero alam ko kung ano ang
                                       mga nangyayari sa ating bansa. Alam ko naman na pinipilit ni PNoy na paangatin ang mga mahihirap pero
                                      alam ko din na mahirap ang bagay na ito kaya sa akin ay pangunawa na lamang ang ibigay nila sa Presidente
                                      upang magkaayos ang lahat. Si Juan delaCruz ay nasa plano ni PNoy subalit sya ay nahihirapan dahil sa dami
                                      nila. Kaya magtulong tulong din tayo para matapos ang kurapsyon at kahirapan sa ating bansa.

Hacienda Luisita Massacre Reflection

Larawan ng Hacienda Luisita


    Sa mga nakita sa mga nangyari sa Hacienda Luisita,masyadong makapangyarihan ang pamilya Cojuanco.
    Kahit na gaano kadaming tao ang bumuwag o gaano man kadaming grupo ang gustong magpabagsak sasheryloposa@gmail.com
sheryloposa@gmail.comsheryloposa@gmail.comkanila ay hindi padin ito mapapabagsak dahil sa dami ng perang hawak ng pamilya Cojuanco. Ay nag-
 saliksik sa pamilyang ito at nakita ko na karamihan sa kanila ay parte o kasapi sa pulitika. Kaya siguro
 sangkatutak ang perang hawak nila. Isang halimbawa nito an ating dating pangulong si Cory Aquino na
 Cojuanco nung sya ay dalaga pa lamang. Nakapangasawa sya ng isang mayaman at matalinong lalake
na isang senador ng ating bansa na nagngangalang Ninoy Aquino. Kaya siguro lalong lumakas ang pwersa nila
dahil nakasapi nila ang pamilya Aquino na kilala din sa Pulitika. Nakakaawa ang mga taong nagbuwis ng buhay nila
para sa  lupang matagal na nilang minimithi. Dito ko masasabi na napakasama ng ugali ng mga Cojuanco
 hanggang ngayon ay hindi padin nila naipamimigay ng buo ang lupang hinihingi ng mga tao sa Hacienda Luisita.
Sana ay maayos na ng Gobyerno natin ang mga problemang nangyayari ditto upang matahimik na ang mga taong
 matagal ng nagaasam ng lupang kanila naman talaga pero hindi nila makuha-kuha.